Thursday, December 3, 2009

KBP president delivers homily during the funeral mass for the journalist-victims of Maguindanao Massacre



KBP-SARGEN president delivers his homily.

General Santos City. Journalists and family of the victims of Maguindanao Massacre mourns together with the people from various sector on a funeral mass held at Our Lady of Good Voyage on December 4, 2009.

Fr. Angel Buenavides, KBP-SARGEN president, delivers a homily condemning the evil act. He further calls to end “political patronage”, continue to be vigilant, and not to lost a sense of God and not to loss a sense of respect to life and respect fellowmen.

Here is his homily.


Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Sa aklat ng Genesis ay winika “Nakita ng Panginoon ang matinding kasamaan ng tao at kung gaano karahas ang kanilang pag-iisip. Nanibugho ang Panginoon at nagsisi kung bakit nilikha at nilagay Niya ang tao sa sanlibutan.” Genesis 6:5-6

Matinding kasamaan, matinding kabaliwan ng tao. Ano ba ang naging papel natin sa kasamaan sa mundo? Ano ba ang ginagawa natin sa kasamaan nananatili sa ating mga kalooban?

Nagtitipon tayo ngayon sa ngalan ng ating Panginoon dahil gusto nating ihandog sa pinagmulan ng ating buhay ang ating mga kasamahan. Nagtitipon tayo sa alaala ng ating mga kaibigan, kapatid, anak, asawa, tatay, nanay, kasamahan sa media na pinaslang ng walang awa noong Nobiernbre 23, 2009. Sabi ng isang sawikain “ang buhay na walang kaibigan ay parang kamatayang walang sumasaksi” (Life without a friend is death without a witness” Spanish proverb)

Nasaktan tayo ng labis sa nangyari sa kanila. Di natin maubos maisip na may mga taong kayang gumawa ng ganito kalagim na krimen. Di lamang ito pagpatay ng mga tao, ito ay nagpapakita rin ng di pagpapahalaga at paggalang sa buhay. Marami ang nagtatanong “ tao pa bang tawagin ang gumawa nito?” Nagtitipon tayo na nagtatanong bakit pinayagan ang ganitong napakarahas na trahedyang maganap sa gitna na ating pagsisikap na magkaroon ng mapayapang Mindanao.

Kung nasasaktan tayo, alam ko nasasaktan at umiiyak din ang Diyos sa kasamaan ng tao. Kung nagtatanong tayo, ang Diyos ay nagtatanong din “Bakit nyo ginawa ito?

Marami ang galit sa atin sa mga taong duwag at halang ang kaluluwa sa tinatawag nating Maguindanao Masaker.

Alam ko lahat tayo gustong makamit ang katarungan, lahat tayo nag-aabang at nagbabantay sa mga prosesong ginagawa ng pamahalaan. Alam ko tulad ng nakakarami dismayado tayo sa mabagal na pagkilos ng ating pamunuan.

Habang minamadali natin ang katarungan naway mamulat tayo sa kasamaan na idinudulot ng tinatawag nating “political patronage”. Naway ang kamulatan ito ay magsilbing daan upang tapusin na natin ang political patronage. Huwag hayaan ang pera, baril at berdugo ng mga politico ang magdidikta sa ating kung sino ang mamumuno sa ating mga bayan.

Huwag nating hayaan na ang malagim na kamatayan ng Maguindanao Masaker ay magiging sakripisyo lamang sa altar ng ambisyon sa politika. Gawin nating tanglaw ito sa pagbabago sa buhay politika.


Sa ating mga militar at pulisya huwag nyong hayaan na gawing kayong mga private armies ng mga gahaman na politico. Taglayin nyo ang lagi ang ideyalismo kung bakit kayo naging alagad ng batas. Paglingkuran ang bayan at ang mamamayang Pilipino at di ang mga politico. Alam ko mas marami ang matitino sa inyo kayat huwag kayong matakot.

Tayong mga mamamayan gampanan natin ang ating tungkulin. Huwag hayaan ang takot at paninubugho sa ating mga lider upang tayo ay manahimik na lamang sa mga pagnanakaw, pang-aabuso at pagmamalabis ng ating mga political leaders.

Habang ginagawa natin ito, huwag nating kalimutan ang Diyos. Manikluhod tayo sa kanya at magmakaawa sa kanyang kapatawaran at pananatili sa ating buhay.

Una, para sa ating mga namatay na kasamahan at lahat ng biktima ng Maguindanao Masaker na maging maawain ang Diyos sa kanila, patawarin ang kanilang kasalanan at patuluyin sa kanyang kalangitan. Ito ang ating pag-asa at umasa tayo na sila ay sa piling ng Diyos.

Ikalawa,tawad din para sa ating mga kasalanan dahil hinayaan natin na manatili ang kasamaan sa ating buhay.

Ikatlo, manikluhod tayong bumalik ang Diyos sa lahat ng aspeto ng ating buhay (ekonomiya, kultura, relihiyon at politika). Kung pinapatay ng tao ang presensiya ng Diyos, nagsisimula ang paninira at pagpatay ng tao sa kanyang kapwa tao. When people lost a sense of God, they also loss a sense of respect to life and respect to kapwa tao. amen




The remains of 7 journalists are laid down at the Forest Lake Cemetery. They were Marites Cablitas (News Focus, GenSan), Lea Dalmacio (SOCSARGEN News), Gina Dela Cruz (SAKSI, GenSan), Marife Montano (SAKSI GenSan), Rosell Morales (News Focus Gensan), Ronnie Perante (Gold Star, Koronadal City), Ian Subang (SOCSARGEN Today).

(Danny Sabino, DXCP-CMN GenSan)